^

Bansa

Auditing sa P30-M fund sa PAF sinimulan

-
Sinimulan na kahapon ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) ang auditing sa kinukuwestiyong P30 milyong pondo na ibinulgar ni Col. Efren Daquil.

Ayon kay PAF chief Lt. Gen. Jose Reyes, nasa high moral pa rin ang kanilang hanay sa kabila ng Dacquil expose na wala namang basehan kundi pagsisintimyento lamang matapos hindi makuha ang minimithi nitong puwesto.

Sinabi ni Lt. Gen. Reyes, bagama’t mayroon silang dokumento na magpapatunay na nagamit ang P30-M fund sa sporting gear ng kanilang 16,000 na tauhan ay mas makakabuting isailalim sa auditing ang naturang pondo.

Nilinaw din ni Reyes na hindi siya nagbigay ng gag order kay Dacquil bagkus ay nais din nilang maging transparent ang gagawing imbestigasyon kaugnay sa alegasyon nito ukol sa P30-M fund.

Nauna rito, iniutos ni AFP chief of staff Generoso Senga na isailalim sa auditing ang kinukuwestiyong pondo na sinabi ni Dacquil ay napunta bilang P45,000 monthly special allowance ng mga heneral ng PAF.

Samantala, iginiit naman ng liderato ng AFP at PNP ang kanilang katapatan sa Konstitusyon sa gitna ng umano’y pagkakaroon ng alyansa ng tatlong dating lider ng bansa laban kay Pangulong Arroyo. (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

DACQUIL

EFREN DAQUIL

GENEROSO SENGA

JOSE REYES

JOY CANTOS

KONSTITUSYON

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE AIR FORCE

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with