^

Bansa

Cabinet revamp tiniyak

-
Tiniyak kahapon ni Executive Secretary Eduardo Ermita na magkakaroon ng balasahan sa Gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa linggong ito.

Sinabi ni Sec. Ermita, hindi naman malawakan ang gagawing pagbalasa ni Pangulong Arroyo sa kanyang Gabinete.

"Mag-abang tayo sa mga darating na araw, maaaring matapos itong weekend magkaroon tayo ng announcement," wika pa ni Ermita sa panayam ng DZMM.

Itinalaga na kahapon ni Pangulong Arroyo si dating Presidential adviser for Mindanao affairs Jesus Dureza bilang kapalit ni Rene Sarmiento sa pagiging Presidential adviser for peace process.

Wala pang itinalaga ang Pangulo na kapalit ni Dureza habang wala pang ibinibigay na bagong posisyon kay Sarmiento.

Ipinaliwanag pa ng executive secretary, pawang espikulasyon lamang ang mga nalathalang balita na kabilang sa maaapektuhan ng balasahan sa Gabinete ay sina DILG Sec. Angelo Reyes at DENR Sec. Mike Defensor.

Magugunita na kamakalawa lamang ay nag-anunsiyo si PGMA kung saan ay itinalaga niyang PCGG chairman si dating Sandiganbayan Justice Narciso Nario at si Gaudencio Mendoza bilang undersecretary ng Finance. (Lilia Tolentino)

ANGELO REYES

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GABINETE

GAUDENCIO MENDOZA

JESUS DUREZA

LILIA TOLENTINO

MIKE DEFENSOR

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RENE SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with