Sinabi ni Sen. Villar, chairman ng senate committee on public order and illegal drugs, bukod sa pagpaslang kay Judge Gingoyon ay iimbestigahan din ng kanyang komite ang ginawang pagpaslang sa ibang hukom, abugado at iba pang propesyunal kabilang ang media.
Idinagdag pa ni Villar, nagkaroon na rin ng ganitong imbestigasyon noong nakaraang taon matapos mailathala sa Netherlands-based International Association of Peoples Lawyers (IAPL) na ang Pilipinas ang pinakadelikadong lugar para sa mga abugado at huwes.
"Like the inquiry on media killings, our committee has still not concluded the hearings on the murder of legal professionals. We are ready to continue our probe on these issues. We acknowledge the fact that the media practitioners and legal professionals as protectors of truth and justice need protection for themselves," dagdag pa ng mambabatas. (Rudy Andal)