^

Bansa

Gingoyon case iimbestigahan ng Senado

-
Siniguro kahapon ni Sen. Manuel Villar Jr. na iimbestigahan ng Senado ang pagpaslang kay Pasay City Judge Henrick Gingoyon at iba pang hukom na pinatay sa pagbubukas ng sesyon sa Enero 16.

Sinabi ni Sen. Villar, chairman ng senate committee on public order and illegal drugs, bukod sa pagpaslang kay Judge Gingoyon ay iimbestigahan din ng kanyang komite ang ginawang pagpaslang sa ibang hukom, abugado at iba pang propesyunal kabilang ang media.

Idinagdag pa ni Villar, nagkaroon na rin ng ganitong imbestigasyon noong nakaraang taon matapos mailathala sa Netherlands-based International Association of People’s Lawyers (IAPL) na ang Pilipinas ang pinakadelikadong lugar para sa mga abugado at huwes.

"Like the inquiry on media killings, our committee has still not concluded the hearings on the murder of legal professionals. We are ready to continue our probe on these issues. We acknowledge the fact that the media practitioners and legal professionals as protectors of truth and justice need protection for themselves," dagdag pa ng mambabatas. (Rudy Andal)

ENERO

IDINAGDAG

INTERNATIONAL ASSOCIATION OF PEOPLE

JUDGE GINGOYON

MANUEL VILLAR JR.

PASAY CITY JUDGE HENRICK GINGOYON

PILIPINAS

RUDY ANDAL

SENADO

SINABI

SINIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with