Bodyguards ng mga hukom sasanayin ng FBI
January 6, 2006 | 12:00am
Isasailalim muna sa training at seminar ng mga ahente ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) ang lahat ng mga itatalagang security personnel ng mga hukom sa Pilipinas.
Ipinaliwang ni Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban na nagbigay na ng mensahe ang FBI sa kanyang tanggapan na handa itong tumulong sa pagsasanay sa mga magiging bodyguards ng mga huwes.
Itinalaga ni Panganiban si Associate Justice Cancio Garcia na pamunuan ang komite na mangangasiwa at mag-aaral sa kahilingan ng mga hukom na magkaroon ng bodyguards.
Una nang pinaboran ng ilang opisyal ng Philippine Judges Association ang pagtatalaga sa kanila ng mga escort kesa mabigyan ng lisensiya para magbitbit ng baril para sa kanilang proteksiyon.
Ikinatuwiran ng mga hukom na ang pagpapadala ng baril ay taliwas sa kanilang tungkulin na magpatupad ng batas dahil para na rin umano nilang inilagay sa kanilang kamay ang batas.
Sa rekord ng korte, si Pasay Judge Henrick Gingoyon ang ika-10 hukom na napaslang mula taong 1999. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest