Nasa pangalan na ng pamahalaan ang 35 porsyentong pagaari sa POTC at Philcomsat at 28 porsyento ng PHC.
Inihayag ng PCGG ang planong audit matapos akusahan ito ng dalawang senador ng maling pamamahala sa mga sequestered companies.
Ayon kina Senador Joker Arroyo at Juan Ponce Enrile, mistulang gatasang baka ang mga kumpanyang sinusubaybayan ng PCGG kaya patuloy ang pagkaubos ng mga ariarian at pondo ng mga ito.
Agad sinuportahan ng POTC at Philcomsat president Victor Africa ang panukalang audit ng PCGG, para sa kapakanan ng transparency.
Wala kaming tutol sa plano ng PCGG," pahayag ni Africa. "Sa katotohanan, pinadalhan na ng Philcomsat ng sulat ang PHC para magsagawa ng pagsusuri sa mga financial records ng huli. Ito ay katutubong karapatan ng Philcomsat bilang stockholder ng PHC."
Inimbitahan ni Africa ang PCGG na magpadala ng kinatawan upang magmasid sa gagawing pagsusuri, ngunit nagtaka siya nang hindi tumugon ang komisyon, taliwas sa mga pahayag nito sa publiko.
"Dapat sana ay inatasan ng PCGG ang mga tauhan nito na nasa PHC bilang director at mga opisyales, upang sila ang manguna sa pagbubukas ng mga libro ng kumpanya," sabi ni Africa.