^

Bansa

PCGG audit sa Philcomsat Holdings binatikos

-
Mukhang binobola lamang ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang Senado at publiko nang sabihin nitong magsasagawa ng audit o pagsusuri sa Philippine Overseas Telecomunications Corp. (POTC), ang subsidiary nito sa Philippine Communications Satellite Corp. (Philcomsat) at ang Philcomsat Holdings Corp. (PHC).

Nasa pangalan na ng pamahalaan ang 35 porsyentong pagaari sa POTC at Philcomsat at 28 porsyento ng PHC.

Inihayag ng PCGG ang planong audit matapos akusahan ito ng dalawang senador ng maling pamamahala sa mga sequestered companies.

Ayon kina Senador Joker Arroyo at Juan Ponce Enrile, mistulang gatasang baka ang mga kumpanyang sinusubaybayan ng PCGG kaya patuloy ang pagkaubos ng mga ariarian at pondo ng mga ito.

Agad sinuportahan ng POTC at Philcomsat president Victor Africa ang panukalang audit ng PCGG, para sa kapakanan ng transparency.

Wala kaming tutol sa plano ng PCGG," pahayag ni Africa. "Sa katotohanan, pinadalhan na ng Philcomsat ng sulat ang PHC para magsagawa ng pagsusuri sa mga financial records ng huli. Ito ay katutubong karapatan ng Philcomsat bilang stockholder ng PHC."

Inimbitahan ni Africa ang PCGG na magpadala ng kinatawan upang magmasid sa gagawing pagsusuri, ngunit nagtaka siya nang hindi tumugon ang komisyon, taliwas sa mga pahayag nito sa publiko.

"Dapat sana ay inatasan ng PCGG ang mga tauhan nito na nasa PHC bilang director at mga opisyales, upang sila ang manguna sa pagbubukas ng mga libro ng kumpanya," sabi ni Africa.

GOOD GOVERNMENT

JUAN PONCE ENRILE

PCGG

PHILCOMSAT

PHILCOMSAT HOLDINGS CORP

PHILIPPINE COMMUNICATIONS SATELLITE CORP

PHILIPPINE OVERSEAS TELECOMUNICATIONS CORP

PRESIDENTIAL COMMISSION

SENADOR JOKER ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with