^

Bansa

GI Joes sa rape ikalaboso — MJ

-
Iginiit kahapon ni dating Manila Congressman Mark Jimenez ang agarang pag-aresto at pagkulong sa apat na US servicemen na inakusahan ng isang Pinay ng panggagahasa dalawang buwan na ang nakararaan sa Subic.

Ayon kay Jimenez, ang rape, lalo na ang gang rape ay isang heinous crime sa Pilipinas na nagpapataw ng agarang pagkakulong sa mga akusado habang naghihintay o habang nililitis ang kaso. Dahil dito, marapat aniya na hindi palabasin ng bansa ang apat na sundalong Amerikano na ngayo’y nasa kustodya ng US Embassy sa Maynila.

"But if we Filipino still value our respect, we should press for the suspects detention here in the Philippines since rape, much more gang rape, is a heinous crime in the Philippines and thus non-bailable," ani Jimenez.

Pinuna ni Jimenez ang aniya’y glove treatment ng gobyerno sa apat na US soldier na taliwas sa pagmamadaling ginawa nitong ma-extradite siya sa US noong 2003 kahit pa misdemeanor charges lang ang kinakaharap niya noon.

Hindi naiwasan ni Jimenez na ikumpara ang gang rape case sa class suit na plano nitong pangunahang isampa laban sa Nothwest Airlines hinggil sa umano’y diskriminasyon na ipinakita nito sa mga pasaherong Pinoy ng NWA flight 71 noong Dec. 18.

vuukle comment

AMERIKANO

AYON

DAHIL

IGINIIT

JIMENEZ

MANILA CONGRESSMAN MARK JIMENEZ

MAYNILA

NOTHWEST AIRLINES

PILIPINAS

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with