"We will look into this," ani Escudero na nagtaka pa sa naunang pahayag ng PAF na isasailalim nila si Daquil sa imbestigasyon at posibleng sampahan ng kaso dahil sa posibleng paglabag sa Articles of War.
Hihilingin ni Escudero na ipatawag si Daquil kahit kailangan pa nitong humingi ng permiso sa Malacañang bago makadalo sa anumang pagdinig.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. at Sen. Rodolfo Biazon na hindi dapat gipitin ng liderato ng AFP si Daquil dahil lamang sa pagbubunyag nitong anomalya sa PAF.
"If Col. Daquil is telling the truth, the generals concerned should be investigated and punished accordingly," ani Pimentel.
Matapos na ibunyag ni Daquil na tumatanggap ng P45,000 illegal allowance kada buwan ang mga PAF generals, kasalukuyan na siyang pinipigil sa loob ng Villamor Air Base sa Pasay City. Boluntaryong sumailalim din siya na sinamahan ng kanyang legal counsel na si Atty. Homobono Adaza sa imbestigasyon ng Provost Marshall kaugnay sa posibleng paglabag sa Articles of War.
Itinanggi naman ni PAF Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla ang akusasyon ni Daquil at sinabing napunta ang P30-M pondo sa pagbili ng kagamitan ng nga sundalo. (Malou Rongalerios/Rudy Andal/Joy Cantos)