Ayon kay Sen. Gordon, dumadami ang bilang ng mga suspected gun for hire na gumagamit ng mga crash-helmets at kung may mga marka ito madaling matukoy kung sino ang nagmamay-ari nito.
Aniya, dapat na ang gawin ng Land Transportation Office (LTO) ay isunod ang numero ng plaka ng motorsiklo sa marka naman ng mga helmet at ipagbawal din ang paggamit ng mga walang markang helmet. Reaksyon ito ni Gordon sa mga krimen na nagaganap partikular na sa pagpaslang kay Pasay City Regional Trial Court Judge Henrick Gingoyon na siyang may hawak ng kaso ng Philippine International Air Terminals Company (PIATCO).
Ayon naman kay Senate Majority Leader Francis Pangilinan, sa halip na armasan ang mga huwes dapat daw ay maaresto agad ang mga salarin at maparusahan para hindi na gayahin ng mga kriminal.
"Instead of arming the judges we should dispose swiftly of cases and punish the guilty. This is the best way to protect our judges. Criminal elements will think twice before committing crimes if they see that the justice system acts swiftly," wika pa ni Gordon.
Aniya, madaling gumawa ng krimen dahil ang nakatanim sa isipan ng mga kriminal ay madali nila itong malusutan bunga na rin ng kabagalan ng hustisya sa bansa. (Rudy Andal)