Ayon kay Mariano, hindi maaaring isantabi na lamang ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa mga akusado dahil lamang sa umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA).
Partikular na tinukoy ni Marinao ang napaulat na pahayag ni Zosimo Paredes, exec. dir. ng Presidential Commission on the VFA na walang epekto ang pagpapalabas ng arrest warrant dahil mas mataas ang nilagdaang VFA sa pagitan ng US at Pilipinas kaysa sa "procedural law" ng bansa.
Nauna rito, sinabi ni Justice Sec. Raul Gonzalez na hindi maaaring arestuhin ang apat na Kano dahil sa RP-US treaty.
Pero iginiit ni Mariano na ang VFA ay isang executive agreement sa ilalim ng US laws na hindi naman niratipikahan ng US Senate at di maaaring maging mataas pa sa 1987 Constitution ng Pilipinas.
Hindi rin sinang-ayunan ni Senate Pres. Franklin Drilon ang naging pahayag ni Gonzalez na magkaroon muna ng negosasyon sa pagitan ng US at RP bago mag-isyu ng warrant of arrest. Walang basehan aniya ang kalihim sa kanyang pahayag at hindi dapat siyang makialam sa kaso.
Samantala, nasa sala na ni Judge Rudy Dilag ng Olongapo Regional Trial Court Branch 73 ang naturang kaso at pinag-aaralan na nito kung magpapalabas ng warrant of arrest laban sa apat na akusadong sundalo na ngayoy nasa kustodya ng US Embassy sa Maynila. (Malou Rongalerios/Rudy Andal/Jeff Tombado)