^

Bansa

7 suspek sa ‘Gingoyon’ tiklo!

-
Pito katao na isinasangkot sa brutal na pagpatay kay Pasay City Judge Henrick Gingoyon ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Special Operations Group (SOG)-Region IV, National Bureau of Investigation (NBI), Cavite PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa magkakahiwalay na operasyon sa Bacoor, Cavite kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodolfo Cuer, umano’y miyembro ng isang kidnap-for-ransom gang; Rudy Baclor, 49, maggugulay; Felimon Ravino, 42, nagpapa-arkila ng videoke; Mark Datas, 23, truck driver; Efren Samonte, isang alyas Danny at isang alyas Haji, pawang nakatira sa Molino, Bacoor.

Ang pitong suspek ay naaresto sa magkakahiwalay na pagsalakay ng Task Force Gingoyon sa Green Valley Subdivision, Brgy. Molino 3 at Brgy. Queensrow, pawang sa Bacoor.

Base sa imbestigasyon, dalawa umanong testigo na hawak ng pulisya ang kumilala kay Cuer na siya umanong nagsilbing look-out ng gunman bago nabaril si Gingoyon.

Isang NBI agent na tumangging magpakilala ang nagsabing umamin na ang isang suspek na tumanggap umano siya ng P150,000 sa isang mastermind para likidahin si Gingoyon sa hindi malamang kadahilanan.

Samantala, sumugod ang mga pamilya ng mga suspek sa harapan ng Cavite PNP upang itanggi ang kaugnayan ng kanilang mga inarestong kaanak sa krimen.
Col. Barcena lumutang
"Saksi ko ang Diyos, wala akong kinalaman sa krimen!"

Ito ang mariing inihayag ni Sr. Supt. Manuel Barcena hinggil sa pagsangkot ng kanyang pangalan sa pagpatay kay Gingoyon.

Sinabi ni Barcena na wala siyang kinalaman sa naturang pamamaslang bagaman nagkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan ng nasabing hukom pagdating sa kani-kanilang trabaho at prinsipyo.

"Before the eyes of God I am completely innocent and I have no involvement whatsoever in the said killing," ani Barcena matapos na ihayag ni Justice Sec. Raul Gonzalez na posibleng maging suspek ang opisyal sa krimen.

Iginiit ni Barcena na hindi siya naghiganti laban kay Gingoyon dahil hinintay niyang gumulong ang hustisya matapos ipasibak nito at malagay sa "floating status".

"I have won and I was recently promoted, how could I do something like that?, tanong ni Barcena.

Kaugnay nito, mistulang nilinis ng NBI si Barcena sa Gingoyon slay matapos na walang makuhang sapat na ebidensya na magdidiin sa kanya.

Inamin ni NBI officer-in-charge Atty. Nestor Mantaring na hindi pa nila maiuugnay sa krimen si Barcena dahil wala pang makalap na ebidensya ang NBI na magpapatunay na siya ang nag-utos na ipapatay si Gingoyon dahil lamang sa personal na galit.

BACOOR

BARCENA

BRGY

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EFREN SAMONTE

FELIMON RAVINO

GINGOYON

GOD I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with