^

Bansa

Killer ng judge, Colonel — DOJ: Tukoy na!

-
Kilala na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa likod ng pagpatay kay Pasay City Regional Trial Court Judge Henry Gingoyon.

Ayon kay Justice Sec. Raul Gonzalez, batay sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), isang nagngangalang Col. Manuel Barcena ang umano’y suspek sa pagpaslang kay Gingoyon.

Ipinaliwanag ni Gonzales na posibleng "personal grudge" ang umano’y dahilan kung kaya’t pinatay ang nabanggit na hukom.

Aniya, lumalabas sa pagsisiyasat ng NBI na posible umanong may kaugnayan sa ilang ipinalalabas na desisyon ni Gingoyon ang pagkakapaslang sa kanya.

Sinabi pa ng Kalihim na maaari umanong ikinagalit ng suspek ang ginawang pagbasura ni Gingoyon sa isinampang kaso ni Barcena na may kaugnayan sa droga laban sa dalawang Chinese national. Bunga nito’y nagsampa ng kasong administratibo si Barcena laban kay Gingoyon.

Gayunman, patuloy pa ring nagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang mga ahente ng NBI sa pagpatay sa naturang hukom nitong Disyembre 31 malapit sa kanyang tahanan sa Bacoor, Cavite habang papauwi matapos na mag-gym.

Samantala, hindi pabor ang Philippine Judges Association (PJA) sa panukalang armasan o bigyan ng service firearm ang mga hukom sa bansa kasunod ng nasabing pamamaslang kasabay naman ng pagsang-ayon ng Malacañang sa nasabing ideya.

Sinabi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na epektibong hakbang ang pagbibigay ng armas sa mga hukom para mabigyang proteksyon ang mga ito sa pagganap ng tungkulin.

Giit naman ng PJA, taliwas ito sa kanilang paniniwala na kinakailangan na ilagay sa tamang proseso ang lahat at 'di sa kamay ang batas.

Ang nasabing panukala ay inihain dahil sa patuloy na pagpatay ng walang kalaban-laban sa mga hukom.

Kinondena naman ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan ang pagpatay kay Gingoyon kasabay ng panawagan nito na imbestigahang mabuti ang kaso. (Grace Dela Cruz, Lilia Tolentino at may ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BARCENA

GINGOYON

GRACE DELA CRUZ

JUSTICE SEC

LILIA TOLENTINO

MANUEL BARCENA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE HENRY GINGOYON

PHILIPPINE JUDGES ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with