^

Bansa

Barbers babalik sa Mla. Police

-
Muling babalik ngayong hapon sa kahuli-hulihang pagkakataon ang namayapang dating senador Robert Barbers sa pinagmulan ng kanyang karera sa serbisyo-publiko sa Manila Police District (MPD) na pinag-umpisahan niya bilang isang ordinaryong patrolman.

Pararangalan ng kanyang mga dating kasamang pulis, kasalukuyang opisyal ng MPD at iba pang nakasama sa police beat si Barbers.

Kabilang sa magbibigay ng pahayag para sa yumaong senador ang kanyang tiyuhin na si ret. Brig. Gen. James Barbers na siyang naging inspirasyon at humikayat kay Barbers na maging pulis din.

Kasama rin dito sina Sen. Alfredo Lim na pinagsilbihan noon ni Barbers bilang hepe ng Manila Police Department, editor na si Robert Roque na nakasama ni Barbers ng reporter pa lang ito, C/Supt. Pedro Bulaong at iba pang retiradong pulis.

Darating ang labi ni Barbers buhat sa Surigao del Norte dakong alas-3 ng hapon at magtatagal ng isang buong araw sa lobby ng MPD bago ilipat naman sa Senado kung saan isang necrological service ang ipagkakaloob dito bukas.

Naging makulay ang buhay-pulis ni Barbers lalo na nang maaresto nito ang druglord na si Don Pepe Oyson at malansag ang kilabot na Pandato hold-up gang.

Nanalong congressman si Barbers sa Surigao bago ito naitalaga ni dating Pangulong Ramos na kalihim ng DILG hanggang sa maging senador mula 1998-2004. (Danilo Garcia/Rudy Andal)

vuukle comment

ALFREDO LIM

BARBERS

DANILO GARCIA

DON PEPE OYSON

JAMES BARBERS

MANILA POLICE DEPARTMENT

MANILA POLICE DISTRICT

PANGULONG RAMOS

PEDRO BULAONG

ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with