Special court sa media iginiit
January 2, 2006 | 12:00am
Upang mas mapabilis ang resolusyon ng mga libel cases na isinasampa laban sa mga miyembro ng media, iginiit ni Aklan Rep. Joven Miraflores sa Supreme Court (SC) na pag-aralan ang pagbuo ng isang special court para rito.
Ayon kay Rep. Miraflores, pinaniniwalaang ang mabagal na proseso sa korte ang nagtutulak para gantihan na lamang ang mga kagawad ng media ng karahasan kaya tumataas ang krimen laban sa mga mamamahayag.
Mas makabubuti anya kung pabibilisin ang pagpapalabas ng resolusyon sa mga libel cases na isinampa laban sa mga miyembro ng media dahil posibleng ito ang pinag-uugatan nang pamamaslang laban sa kanila.
Hindi rin anya kailangang amyendahan pa ang Libel Law dahil maaaring gamitin naman ito sa pagbusal sa media.
"Let us try to work for the speedy resolution of libel cases and related complaints by media and against them instead of effecting a tougher libel law," pahayag pa ng solon.
Nakahanda si Miraflores na magsumite ng panukalang batas upang maging ganap na batas ang kanyang panukala. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended