Ito ay matapos ibasura ng Branch 21 ng Manila Regional Trial Court ang kanyang hiling para sa isang temporary restraining order (TRO) laban kay Sangguniang Panglungsod presiding officer at Manila Vice Mayor Danny Lacuna, Kalihim Atty. Rodolfo Lapid at Atty. Nemesio Garcia Jr., chief of staff ni Lacuna upang pigilin ang tuluyang pagtanggal ng mga ito kay Castañeda mula sa roster ng konseho.
Ang petisyon ay inihain matapos mabigo ang kampo ni Castañeda na mabago ang desisyon ng mababang korte nang panigan ito ng Korte Suprema sa pagdeklarang invalid sa Manila Ordinance 8039 dahil sa pagiging repugnant nito sa mga probisyon ng Local Government Code.
Ang 8039 ang naging basehan ng pagkaluklok kay Castañeda sa kanyang posisyon. Ang nasabing ordinansa ay ipinasa ng mayorya matapos mahalal si Natalio Beltran Jr. bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay ng Maynila.
Ayon sa korte, ang petisyon ni Castañeda ay walang basehan matapos ideklarang walang bisa ng Mataas na Hukuman ang Ordinansa 8039. Isinaad pa nito na wala itong nakitang karapat-dapat na dahilan sa likod ng petisyon maliban sa intensiyon na protektahan ang isang pinaglalabanang posisyon.
Ayon pa sa Korte, ang paghain ng isang desisyong pumapayag sa kahilingan ni Castañeda ay isang paglabag sa naunang pinal na desisyon na inilabas ng Korte Suprema motion for reconsideration na inihain ng Liga President Castañeda.