Barbers ilibing sa Libingan ng mga Bayani
December 27, 2005 | 12:00am
Dahil sa matagal na pagseserbisyo sa bayan lalo na sa dating Philippine Constabulary na naging Integ. National Police at ngayoy PNP, iginiit kahapon ng ilang kongresista na ilibing si dating Senador Robert Barbers sa Libingan ng mga Bayani kung saan inilibing nitong Sabado si NBI Director Reynaldo Wycoco.
Ayon kina House Majority Leader at Davao City Rep. Prospero Nograles at Muntinlupa City Ruffy Biazon, dapat ring ibigay ng gobyerno kay Barbers, 61, ang pinakamataas na huling respeto dahil naging tapat na lider ng bansa.
Bagaman at nauna nang inihayag ng pamilya Barbers na ililibing nila ang dating senador sa Manila Memorial Park sa Paranaque City, iginiit nina Nograles at Biazon na mas nararapat na ihimlay si Barbers sa Libingan ng mga Bayani.
Ipinahiwatig ni Nograles na naging tapat na tagapaglingkod sa bayan si Barbers kaya dapat itong ihanay sa mga bayani.
"He is more than qualified to be buried at the Libingan ng mga Bayani after his great service to the nation. He should be buried as a hero," ani Nograles.
Sinabi naman ni Senador Alfredo Lim na napaiyak habang ginugunita ang kanilang samahan ni Barbers sa PNP na isa siyang katangi-tanging opisyal.
"He is a complete officer. With Barbers, no instructions are needed. All I had to do was tell him what the target is and he would take care of the rest," ani Lim. (Malou Rongalerios/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest