Ito ang naging suhestiyon ni Akbayan Rep. Mario Aguja bunsod na rin sa ginawang pagtalakay ng House committee on higher and technical education sa tatlong panukalang batas na humihiling na ilipat ang araw ng pasok ng mga estudyante.
Ayon kay Rep. Aguja, sa halip na palitan o baguhin pa ang June-March at gawing Setyembre hanggang Hunyo ang pasok ng mga mag-aaral sa elementary, secondary at tertiary levels ay gamitin na lamang ang parehong kalendaryo.
Niliwanag ni Aguja na ang mga lugar o rehiyon na hindi direktang naapektuhan ng bagyo tuwing Hunyo hanggang Setyembre ay maaring i-retain o gamitin na lamang ang June-March school year.
Habang ang mga flood prone areas o mga lugar na tinatamaan ng bagyo tuwing ganitong buwan ay maaaring gawin na lamang nilang Setyembre hanggang Hunyo ang pasukan.
Subalit, inayawan naman ito ng Catholic Educators Association of the Philippines (CEAP) at University of the East.
Ayon kay Marino Piamonte ng CEAP, mapipilitan ang mga eskuwelahan na gumamit ng aircondition at electric fans para hindi maapektuhan ang mga estudyante.
Nangangahulugan na dagdag na operating expenses ito sa paaralan na siguradong ipapasa aniya sa mga magulang at estudyante. (Malou Rongalerios)