Paglipat ng Mcañang Press Corps sa NEB di tuloy
December 25, 2005 | 12:00am
Ipinagpaliban muna ni Pangulong Arroyo ang paglipat ng Malacañang Press Corps sa New Executive Building na kilala bilang "Borloloy building".
Ang desisyon ay matapos magsagawa kahapon ng inspection ang Pangulo kasama ang reporter na ito, kung saan personal nitong nilakad ang daan mula Kalayaan Hall patungong NEB at nakita ang totoong rason ng media na hindi mabilis ang pagpunta sa NEB para makapagsagawa ng coverage sa Palasyo.
Mula sa Kalayaan Hall, inabot ang Pangulo at ang reporter na ito ng halos 20 minuto sa pagtungo sa NEB at ang sinasabi niyang mga "shortcuts" patungo sa bagong gusali ay sarado nang lahat. Kailangan pang lumabas ng NEB para makarating sa Palasyo at ito ay mahirap sa panahon ng tag-ulan. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest