^

Bansa

Higit P17-B kikitain ng PTA sa 2006

-
Dahil sa patuloy na paglakas ng industriya ng turismo sa bansa, inaasahan ngayon ng Philippine Tourism Authority (PTA) na higit sa P17 bilyon ang kanilang kikitain sa pagpasok ng taong 2006.

Sinabi ni PTA General Manager Robert Dean Barbers, posible rin umanong umakyat pa sa P20 bilyon ang kanilang kitain dahil sa pagpasok ng mga turista buhat sa Europa. Pinakamataas pa rin ang bilang ng mga turistang Chinese ngunit malakas din ang pagpasok ng mga Koreans. Patuloy pa rin namang mataas ang pasok ng mga Hapones at Amerikano.

Pangunahing dinadalaw ng mga turista ang ipinagmamalaking mga beach resorts ng Pilipinas na wala sa kanilang mga bansa.

Pinabulaanan naman ni Barbers na nalulugi ang PTA sa mga pag-aari nilang tourist destination.

Sa record ng PTA, buhat sa dating P40 milyon na pagkalugi nang umupo si Barbers, naibaba na ito sa P25,778,700 ngayong taon dahil sa kinitang P17 bilyon. Ito umano ang rason kaya nakapagbigay ng Christmas bonus ang PTA sa higit 1,000 empleyado nitong Oktubre.

Dahil sa naturang kita, naibaba na rin ngayon ng PTA ang tinatanggap na subsidy buhat sa pamahalaan sanhi upang makapaglaan sila ng pondo para sa pagpapaganda pa ng mga imprastraktura at paglikha ng dagdag na trabaho.

Samantala nasa proseso pa ang pagpapasapribado ng ilan nilang pag-aaring tourist destination at resort. Nakatakdang maipasa na ng PTA ang pamamahala sa Tagaytay Picnic Groove sa pamahalaan ng Tagaytay. (Danilo Garcia)

AMERIKANO

DAHIL

DANILO GARCIA

GENERAL MANAGER ROBERT DEAN BARBERS

HAPONES

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

PTA

TAGAYTAY PICNIC GROOVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with