^

Bansa

Pabahay para sa public, private teachers isinulong

- Ni Malou Rongalerios -
Magandang balita sa mga guro sa pampubliko at pribadong eskuwelahan! Isinulong ni Negros Occidental Rep. Tranquilino Carmona ang pagkakaroon ng housing program na eksklusibo lamang para sa kanila.

Layon ng panukala ni Rep. Carmona na mabiyayaan ng pabahay ang mga guro na hindi pa nakakakuha o hindi makakuha ng housing loan dahil na rin sa dami ng aplikante.

Ayon kay Carmona, sakop ng exclusive housing program ang lahat ng teachers na nasa ilalim ng Department of Education, private schools at institution na may permanent employment status.

Nakasaad sa panukala na ang mga guro ay maaaring kumuha ng loan para sa pagbili ng lupa, bahay at lupa, home improvement at restructuring ng kasalukuyang housing loan sa anumang government housing o financial institutions.

Sinabi ni Carmona na ang ipapataw na interest rates ay hindi lalagpas sa 12% per annum at fixed ito sa buong termino ng loan.

Ipinanukala pa ng mambabatas ang pagbuo ng guarantee system fund para siyang sasakop sa housing loans ng mga guro na hindi lalagpas ng P150,000.

Magbibigay naman ng P2 bilyong kontribusyon ang GSIS at Pag-IBIG bilang inisyal na pondo sa programa.

Bukod dito, magbibigay pa ng P1 bilyon kada taon ang national government upang magtuluy-tuloy ang programang ito ng pamahalaan.

AYON

BUKOD

CARMONA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOUSING

IPINANUKALA

ISINULONG

LAYON

NEGROS OCCIDENTAL REP

TRANQUILINO CARMONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with