^

Bansa

P5,000 cash gift sa PNP tapos Pasko na

-
Pagkatapos pa ng Pasko matatanggap ng mga pulis sa buong bansa ang ipinangakong P5,000 cash gift ni Pangulong Arroyo.

Ito ang inihayag ni PNP Chief, Director General Arturo Lomibao sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa ginawa nitong inspeksiyon sa Light Rail Transit (LRT), mga malls at iba pang matataong lugar sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Manila’s Finest Brotherhood Association president, SPO2 Antonio Emmanuel na kailangang magsakripisyo muna sila ngayong Pasko dahil sa selebrasyon na ng Bagong Taon nila mapapakinabangan ang naturang bonus.

Inireklamo naman ng Manila’s Finest kay Lomibao ang nakatakdang pagtatanggal sa mga traffic police sa mga kalsada at pagbabawas ng 50% sa puwersa ng pulis ng Traffic Enforcement Group na itatalaga sa mga istasyon ng pulisya.

Sinabi ni Lomibao na pag-aaralan niya ang hinaing ng mga traffic police matapos na ikatwiran ni Emmanuel na posibleng lalong magbuhul-buhol ang daloy ng trapiko at tumaas ang antas ng krimen sa mga kalsada sa Metro Manila sa napipintong pagwalis sa kanila.

Bukod dito, inihayag din ng mga pulis ang hinaing nila sa kawalan ng kursong junior at senior management at leadership course sa Manila Police Academy, exemption sa training sa mga papa-retire nang pulis, pagbibigay ng PNP health card, legal assistance program, housing at scholarship sa mga dependent nila. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTONIO EMMANUEL

BAGONG TAON

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

FINEST BROTHERHOOD ASSOCIATION

LIGHT RAIL TRANSIT

LOMIBAO

MANILA POLICE ACADEMY

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with