Wykes ililibing ngayon
December 24, 2005 | 12:00am
Ihahatid na ngayong tanghali sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani ang namayapang si National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco.
Inaasahang dadalo si Pangulong Arroyo sa paghahatid kay Wycoco sa kanyang huling himlayan.
Bibigyan si Wycoco ng full honors sa pamamagitan ng 21-gun salute dahil sa ginawang pagsisilbi nito sa bansa at sa Philippine National Police (PNP) ng napakahabang panahon bago pa man ito naitalagang NBI chief noong Enero 2000.
Isang misa muna ang isasagawa dakong alas-8:30 ng umaga ngayon sa loob ng NBI gym. Magsasagawa rin ng isang necrological service na pangungunahan ng kanyang kaklase sa Harvard University, gayundin ng kanyang mga mistah sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1968.
Inaasahan ding magbibigay ng kanilang huling parangal sa NBI chief ang anim na deputies nito na sina Attys. Alejandro Tenerife ng Intelligence Service; Victor Bessat, ng Regional Operation Service; Edmund Arugay ng Intelligence Service; Anthony Leongson ng Technical Service; Rickson Chiong ng Administrative Servise at deputy director Fermin Nasol ng Comptroller Division.
Si Wycoco ay matatandaang pumanaw noong Dis. 19 matapos ang 26 araw na pagka-comatose nang maputukan ng ugat sa utak sanhi ng raptured aneurysm o hemorrhagic stroke noong Nobyembre. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest