ConCom mananagot sa ‘No El’

Iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na puwedeng makasuhan ang mga miyembro ng Citizens Consultative Commission (ConCom) dahil sa panukalang kanselahin ang eleksiyon sa 2007.

Ayon kay Sen. Pimentel, sumosobra na ang ConCom sa kanilang tungkulin at kapangyarihan kung saan ay pati ang kapakanan ng mamamayan na makilahok sa eleksiyon ay kanilang tinatanggal.

Sinabi pa ni Pimentel, parang dinidiktahan na rin ng ConCom ang mga kongresista at senador na dapat gumawa ng pag-amyenda sa Saligang Batas ng mga dapat nilang gawin.

"I accused the ConCom of bribing like Marcos, the mayors, governors, congressmen and senators. They should be prosecuted for prostituting public service," paliwag ng senador. (Rudy Andal)

Show comments