Sa ipinalabas na press statement na may lagda ni Justice Puno, ibinulalas nito ang sakit na kanyang naramdaman hinggil sa hindi pagkaluklok at hindi nasunod ang tradisyon sa pagpili ng chief justice.
Ngunit ipinaliwanag ng mahistrado na may plano ang Dakilang Lumikha para sa lahat ng tao at naniniwala siyang hindi marunong sumugal ang Diyos sa bawat kapalarang itinadhana sa indibiduwal.
"The Almighty has a plan for all us and I agree that the All Seeing Eye does not play that with our destinies, Indeed, even pain has a purpose," sabi ng mahistrado.
Taliwas sa naglabasang ulat, mariin namang itinanggi ni Justice Puno na hindi siya kailanman magreretiro sa kanyang tungkulin at hihintayin ang pagtatapos ng kanyang termino hanggang May 17, 2010.
Kasabay nito ay binati rin ng mahistrado ang bagong talagang Chief Justice Artemio Panganiban na magsisilbi sa hudikatura sa loob lamang ng 11 buwan o hanggang Disyembre 7, 2006. (Grace dela Cruz)