Tugon ito ni Rotary International president Carl-Wilhelm Stenhammar sa pamamagitan ni RI general secretary Ed Futa sa liham ni Sen. Ramon Magsaysay, Jr., chairman ng Senate committee on agriculture and food, na nag-imbestiga sa P728 million fertilizer fund scam na kinasasangkutan ni Bolante.
Ayon kay Mr. Futa, hindi naman obligado si Bolante na magtungo sa RI headquarters sa Illinois upang makibahagi sa mga aktibidad ng RI gaya ng naging katwiran nito na kaya hindi nakadalo sa mga pagdinig ng komite ni Sen. Magsaysay ay dahil sa mayroon itong naunang commitment sa Rotary. Si Bolante ay District governor ng Rotary.
Lumiham si Magsaysay kay RI president Stenhammar upang hingin ang tulong ng Rotary International upang mapadalo sa susunod na Senate hearing si Bolante kaugnay ng fertilizer scam.
Inaabangan naman ng mga tauhan ng Bureau of Immigation at Senate sergeant-at-arms si Bolante sa pagbabalik nito sa bansa dahil sa ipinalabas na arrest order ni Senate President Franklin Drilon laban dito sanhi ng pagkabigo nitong sumipot sa Senate inquiry. (Rudy Andal)