Ayon kina Parañaque Rep. Eduardo Zialcita at Zamboanga del Sur Rep. Isidro Real, walang "k" o karapatang manghimasok sa pulitika ng bansa ang mga dayuhan.
Anila, hindi makatarungan ang ginawang pagtatasa ng dayuhang organisasyon sa Pilipinas kung saan binigyan nito ang bansa ng gradong "partly free" mula sa dating "free".
Kinastigo rin ng mga kongresista ang ginawang basehan ng nasabing organisasyon dahil ang ginamit na usapin ay tanging ang Presidential Electoral Tribunal lamang ng Pilipinas ang maaaring magresolba sa nasabing reklamo.
Ayon naman kay Real, tila lahatang panig ang ginawang pagtatasa ng Freedom House sa Pilipinas dahil wala naman itong ginamit na siyentipikong pamamaraan kung papaano magbibigay ng grado.
Inihalimbawa pa ng kongresista ang ginawang pahayag ng mahigit sa 100 foreign observers sa nakalipas na halalan kung saan kolektibong sinabi ng mga ito na naging malinis at maayos ang naganap na eleksiyon sa bansa. (Malou Rongalerios)