^

Bansa

Dayuhan wala raw ‘k’ manghimasok sa pulitika ng Pinas

-
Pinalagan kahapon ng mga mambabatas ang ginawang freedom ratings ng isang dayuhang organisasyon sa Pilipinas kung saan ibinatay lamang ang pagtatasa sa mga paratang at akusasyon sa umano’y dayaan sa nakalipas na halalan.

Ayon kina Parañaque Rep. Eduardo Zialcita at Zamboanga del Sur Rep. Isidro Real, walang "k" o karapatang manghimasok sa pulitika ng bansa ang mga dayuhan.

Anila, hindi makatarungan ang ginawang pagtatasa ng dayuhang organisasyon sa Pilipinas kung saan binigyan nito ang bansa ng gradong "partly free" mula sa dating "free".

Kinastigo rin ng mga kongresista ang ginawang basehan ng nasabing organisasyon dahil ang ginamit na usapin ay tanging ang Presidential Electoral Tribunal lamang ng Pilipinas ang maaaring magresolba sa nasabing reklamo.

Ayon naman kay Real, tila lahatang panig ang ginawang pagtatasa ng Freedom House sa Pilipinas dahil wala naman itong ginamit na siyentipikong pamamaraan kung papaano magbibigay ng grado.

Inihalimbawa pa ng kongresista ang ginawang pahayag ng mahigit sa 100 foreign observers sa nakalipas na halalan kung saan kolektibong sinabi ng mga ito na naging malinis at maayos ang naganap na eleksiyon sa bansa. (Malou Rongalerios)

ANILA

AYON

EDUARDO ZIALCITA

FREEDOM HOUSE

INIHALIMBAWA

ISIDRO REAL

MALOU RONGALERIOS

PILIPINAS

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with