^

Bansa

TRO vs POTC prexy ibinasura

-
Ibinasura ng Sandiganbayan ang pagtatangka ng grupo ni Manuel Nieto Jr. na buhayin ang temporary restraining order (TRO) na pinalabas ngunit dagling pinawalang-bisa ng hukuman laban sa grupo nina Erlinda Bildner at Victor Africa, chairperson at presidente, ayon sa pagkakasunod ng Philippine Overseas Telecomunication Corp. (POTC) and Philippine Communications Satellite Corp. (Philcomsat).

Nagpasya ang Sandiganbayan na panindigan ang desisyon na ipawalang-bisa ang TRO noong Oktubre 18, o wala pang isang buwan mula nang ito ay palabasin. Dahil dito, nanatili ang grupo nina Bildner at Africa na siyang nagpapatakbo sa POTC at Philcomsat.

Pinawalang bisa ng hukuman ang TRO matapos na matuklasan na kuwestiyonable ang mga ebidensiya na ginamit ni Enrique Locsin miyembro ng grupo ni Nieto, sa pagsasampa ng reklamo laban kina Bildner at Africa.

Isa sa mga umano’y palpak na ebidensiya ni Locsin ay ang kautusan ng Securities and Exchange Commission noong Agosto 20, 2004 na nagdeklarang legal ang POTC at Philcomsat stockholders meeting na isinagawa ng grupo ni Nieto para ihalal ang kanilang sarili sa board of directors ng dalawang kumpanya.

Hindi ipinaalam ni Locsin sa Sandiganbayan na ang nasabing kautusan ng SEC ay sinuspinde ng Court of Appeals sa pamamagitan ng TRO noong Agosto 31, 2004, na pinalawig sa pamamagitan ng preliminary injunction noong Oktubre 25, 2004.

Dahil sa desisyon ng Court of Appeals ay nanatili sa kanilang puwesto ang board at management na pinangungunahan nina Bildner at Africa.

Samantala, sa pag-aaral na isinagawa ng Sandiganbayan sa reklamo ni Locsin ay natuklasan ng hukuman ang ginawang paglilihim nito kaya pinawalang-bisa ang TRO laban sa grupong Bildner-Africa.

Ang sinadyang paglilingid sa hukuman ng mahalagang impormasyon ay ibinulgar nina Victoria de los Reyes and John Benedict Sioson, mga corporate secretaries ng POTC at Philcomsat, sa kanilang petisyon na parusahan si Locsin at ang kanyang abugadong si Sikini Sabastilla sa salang contempt o paglapastangan sa hukuman.

At dahil nanatiling may bisa ang injunction na pinalabas ng CA laban sa grupo ni Nieto, hiniling nina de Los Reyes at Sioson sa Sandiganbayan na i-dismiss ang reklamo ni Locsin.

vuukle comment

AGOSTO

BILDNER

COURT OF APPEALS

DAHIL

ENRIQUE LOCSIN

ERLINDA BILDNER

LOCSIN

NIETO

PHILCOMSAT

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with