Ito ang inihayag ni Rep. Junie Cua matapos ang isinagawang pag-aaral ng Department of Trade and Industry (DTI), non-government organizations (NGOs) at pharmaceutical groups.
Sa nasabing pag-aaral, ang bansa ay gumastos ng $1.247-B para sa gamot noong 1997; $1.012B noong 1998; $1.183B noong 1999; $1.118B noong 2000 at $1.062B noong 2001.
Sinundan naman ito ng bansang Indonesia na gumastos ng $4.417B para sa limang taon; pangatlo ang Thailand na may drug spending na $3.810B; Hong Kong, $1.931B; Malaysia, $1.407B at Singapore, $1.094B.
Sinabi ni Cua na ang malaking drug spending ng Pilipinas ay dala na rin sa kamahalan ng gamot na ibinebenta sa mga pribadong drug stores sa bansa.
Inihalimbawa nito ang mga gamot na Bactrim na ang generic name ay cotrimoxazole na isang anti-bacterial; Adalat retard (nifedipine), Ventolin, liprotropic lopid at hydantoin dilantin. (Malou Rongalerios)