^

Bansa

Tigilan ang Cha-Cha – Drilon

-
Hinamon kahapon ni Senate President Franklin Drilon ang Palasyo na tigilan na nito ang pagpipilit na baguhin ang saligang batas sa pamamagitan ng isang Constitutional Commission dahil lumalabas ang tunay na kulay nito na naglalayong bilhin ang mga mambabatas.

Sinabi ni Sen. Drilon, ang alok ng Palasyo sa pamamagitan ng Abueva Commission na palawigin ang termino ng 3 taon ng mga mambabatas at local government officials ay malinaw na nangangahulugan lamang na nakapaloob pa rin ang personal na interes.

"We challenge Malacañang to do away with this because it is immoral for Congress and Senate, it is a pure bribery. The recommendation of the Abueva Commission to do away the 2007 election validates our fear that political self-interest will get into the way on the ammendment of the constitution-the same must be rejected ouright," wika pa ni Drilon.

Sinabi naman ni dating Sen. Vicente Sotto III na isang panlilinlang sa taumbayan ang balak ng Palasyo na baguhin ang ating konstitusyon.

Hiniling naman ng Palasyo sa mga kongresista at senador na tigilan na nito ang pambabatikos sa ConCom at ang binabalangkas na pag-amyenda sa konstitusyon. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)

vuukle comment

ABUEVA COMMISSION

CONGRESS AND SENATE

CONSTITUTIONAL COMMISSION

DRILON

HINAMON

LILIA TOLENTINO

PALASYO

RUDY ANDAL

SINABI

VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with