Enuf is Enuf inilunsad
December 17, 2005 | 12:00am
Inilunsad ng grupong Empowered Nation United Front ang "ENUF is ENUF" campaign nito na siya umanong pipigil sa mga tangkang ibagsak ang rehimeng Arroyo.
Ayon kay retired Gen. Eduardo Orpilla, convenor ng grupo at presidente ng Guardians Forces Brotherhood Against Crime International, Inc., ang kanilang samahan ay lumagda sa isang pakikipag-alyansa sa iba pang non-government organizations para labanan ang maruming pulitika na sumisira sa imahe ng bansa.
Sinabi ni Orpilla na ilang pagkakataon nang tinangka ng oposisyon at destabilization forces na paalisin si Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng Oakwood mutiny, impeachment at People Power subalit lahat nang itoy nabigo, kaya naniniwala ang grupo na panahon na para silay kumilos at labanan ang anumang planong guluhin ang gobyerno.
"The nation has already suffered enough but their attempts are to no avail, the people are not supporting them, so why continue in bringing this government down, are they not reading the signs of the times, the people are not with them. their allies are not getting the significant number of people, I guess their attempts to overthrow the government is an exercise in futility and very absurd," wika ni Orpilla.
Nagbabala rin si Orpilla sa mga grupong nag-uudyok sa tao na magrebelde dahil may karapatan anya ang bawat mamamayan na ipagtanggol ang Saligang batas.
Nakatakda anya sana nilang ipatupad ang citizens arrest sa grupo ni retired Gen. Fortunato Abat sa Club Filipino, subalit naunahan lamang anya sila ng CIDG.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am