^

Bansa

Cam, 2 pa tatanggalan ng security ng Senado

-
Inihayag kahapon ni Senate President Franklin Drilon na aalisan na ng security ng Senado sa darating na Disyembre 19 ang jueteng witness na sina Sandra Cam at Wilfredo Mayor pati ang kontrobersiyal na witness sa "Hello Garci" na si Michael Angelo Zuce.

Sinabi ni Sen. Drilon, hanggang Disyembre 19 (Lunes) ang ipinagkaloob na security ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSAA) kina Cam, Mayor at Zuce.

Kamakalawa ay nagtungo sa Senado ang 3 witness upang hilingin na pahabain ang pagkakaloob ng seguridad sa kanila.

Sina Cam at Mayor ang tumestigo hinggil sa jueteng payola scandal kung saan ay isinangkot pa nito si Presidential Son at Pampanga Rep. Mikey Arroyo habang si Zuce naman ang tumestigo sa umano’y pandaraya ng kanyang tiyuhin na si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano noong nakaraang May 2004 elections.

Wala pa mang desisyon ang Senado kaugnay sa hinihinging extension para sa security ng tatlo. (Rudy Andal)

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

DISYEMBRE

DRILON

HELLO GARCI

MICHAEL ANGELO ZUCE

MIKEY ARROYO

OFFICE OF THE SENATE SERGEANT

PAMPANGA REP

PRESIDENTIAL SON

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with