Palparan lusot na sa CA
December 15, 2005 | 12:00am
Nakalusot din sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) ang kontrobersiyal na si Maj. Gen. Jovito Palparan makaraang aprubahan kahapon ang promosyon nito at 15 heneral kasama ang walong colonel.
Gayunman, na-bypass naman ang kumpirmasyon ni AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga dahil sa "Hello Garci" scandal.
Sa huling plenary session ng CA ngayong taon, sinermunan muna ng mga senador at kongresista sina Lt. Gen. Emmanuel Teodosio at Maj. Gen. Palparan bago inaprubahan ang promosyon ng mga ito.
Sa kaso ni Gen. Teodosio, si Sen. Sergio Osmeña lamang ang nagrehistro ng negatibong boto dahil hindi nito maatim ang ginagawang pananahimik ng heneral kung bakit sinibak sa puwesto sa Lanao noong nakaraang halalan si Brig. Gen. Francisco Gudani.
Sa kaso ni Palparan, tumutol din si Osmeña kasama sina Sen. Joker Arroyo at Bataan Rep. Antonio Roman dahil palagi umanong nakabuntot sa heneral ang multo ng political killings sa mga lugar na pinagsisilbihan nito. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended