Anomalya sa PHC bubusisiin
December 15, 2005 | 12:00am
Iimbestigahan ng Philippine Communication Satellite Corp. (Philcomsat) ang mga libro ng subsidiary nito, ang Philcomsat Holdings Corp. (PHC), dahil sa nakababahalang paghina ng kita kasabay ang kuwestyonableng paglobo ng gastusin nito.
Kasabay nito, binatikos ni Philcomsat president Victor Africa si Manuel Nieto Jr., presidente ng PHC, dahil sa tangkang pagharang sa planong imbestigasyon. Ayon kay Africa, sasampahan ng Philcomsat ng kaso si Nieto at iba pang namumuno sa PHC kapag hindi pinayagan ang pagsusuri sa mga libro nito. Ang pagsusuri sa mga rekords ng PHC ay karapatan ng Philcomsat, na siyang may-ari ng 81% ng PHC. Maliwanag din ang layunin ng nasabing imbestigasyon dahil sa masamang nangyayari sa PHC.
Ayon sa financial statements na isinumite ng PHC sa Philippine Stock Exchange, ang revenue ng kumpanya sa third quarter ng 2005 ay umabot sa P704,604M o mas mataas kaysa sa operating loss na mas P8.98 milyon noong 2004.Noong third quarter ng 2005, kumubra ang PHC ng P14.8M bilang interes sa pondo nito na naka-invest sa money market at sa mga banko, mas mababa ng 8.64% kaysa sa interest income na P15.99M noong 2005.Dahil dito, bumagsak ang net income ng kumpanya mula P7.01M noong 2004 hanggang P4.73M ngayong taon.
Ayon kay Africa, ang gustong tutukan ng gagawing imbestigasyon ay ang paglaki ng mga ginagastang halaga para sa representation at entertainment gayong wala namang aktibong operasyon ang PHC maliban sa kumolekta ng tubo sa money market at renta sa pinauupahang condominium unit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended