PNP payag pumunta si Erap sa lamay at libing ng Kuya
December 14, 2005 | 12:00am
Hindi tumutol ang Philippine National Police (PNP) sa kahilingan ni dating Pangulong Joseph Estrada na payagan siyang makipaglamay at makipag-libing sa kanyang yumaong kapatid na si Antonio Ejercito na namatay sa kanser.
Dahil dito, inaasahan na pagbibigyan ng Sandiganbayan Special Division ang kahilingan ng dating pangulo matapos na hindi rin maghain ng objection ang prosekusyon sa nasabing mosyon.
Pero nagbigay ng kondisyon ang PNP sakaling pagbigyan ang mosyon katulad ang pananatili ni Estrada sa Sanctuario de San Jose at hindi siya papayagang pumunta sa kanyang tahanan sa Polk st., Greenhills, San Juan.
Ayaw din ng PNP na magkaroon ng media coverage at hindi dapat tumanggap ng sinumang bisita si Estrada at hindi rin dapat ito payagan na sumama sa funeral procession.
Nais ng PNP na dumiretso si Estrada kasama ang kanyang mga escort sa Simbahan kung saan gagawin ang isang misa at pagkatapos ng misa ay dadalhin na kaagad ito sa sementeryo upang makipaglibing. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest