Nagpatakas kay Bolante gigisahin ng Senado
December 13, 2005 | 12:00am
Ipapatawag ng Senado ang immigration official sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagpaalis kay Agriculture Undersecretary Jocelyn Bolante sa kabila na mayroon itong hold departure order (HDO).
Sinabi ni Senate President Franklin Drilon, dapat magpaliwanag si Ferdinand Sampol, overall supervisor ng BI sa NAIA, matapos nitong payagang makaalis ng bansa si Usec. Bolante patungong Hong Kong lulan ng Cathay Pacific flight CX 902 kamakalawa gayung nasa watchlist ito ng BI sa kahilingan ni Sen. Ramon Magsaysay Jr.
Inirekomenda naman ni Sen. Juan Ponce Enrile sa Senado na hilingin sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ni Bolante dahil sa pag-iwas nitong dumalo sa imbestigasyon ng Senado. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended