Isinama din ni Erap sa kanyang kahilingan na payagan ng korte na makapag-Pasko sa kanilang bahay sa Polk St., Greenhills, San Juan.
Sa apat na pahinang mosyon ni Erap sa pamamagitan ng kanyang abugadong si Rene Saguisag, hiniling nitong payagan siya ng anti-graft court na makapunta sa lamay ng yumaong kapatid na si Antonio Ejercito mula Huwebes ng alas-12 ng tanghali hanggang Biyernes ng alas-12 ng tanghali.
Hindi hinarang ni Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio ang mosyong ito ng kampo ni Estrada na makapunta sa burol ng kanyang yumaong kapatid.
Hindi naman pabor si Villa-Ignacio na payagang dumalo si Erap sa paghahatid sa huling hantungan sa San Juan cemetery sa yumaong kapatid nito dahil na rin sa security reason.
Ayon kay Presiding Justice Ma. Theresa Leonardo-de Castro, hihintayin muna nila ng komento ng PNP bago sila maglabas ng desisyon sa kahilingang ito ni Estrada.
Nais din ni Erap na magdiwang ng Pasko sa tahanan nito mula Disyembre 23 hanggang Enero 3 pero sinabi ni Villa-Ignacio na haharangin nila ang Christmas break na hinihinging ito ng dating Pangulo. (Malou Rongalerios)