3 Dating opisyal ng DA nasa watchlist
December 9, 2005 | 12:00am
Tuluyan nang isinailalim sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) si dating Department of Agriculture (DA) Undersecretary Jocelyn "Joc-Joc" Bolante at dalawa pang matataas na opisyal nito na umanoy nasangkot sa P 728 M fertilizer fund scam.
Ang pagsasailalim kina Bolante, Undersecretary Belinda Gonzales at Assistant Secretary Felix Jose Montes sa watchlist ng BI ay alinsunod sa kahilingan ni Senador Ramon Magsaysay Jr.
Ipinaliwanag pa ni BI Commissioner Alipio Fernandez Jr. na hindi maaring mailagay sa hold departure order ang mga pangalan ng nabanggit na mga opisyal ng DA dahilan kinakailangan ang court order dito mula sa Department of Justice (DOJ).
Nabatid na hiniling ni Magsaysay na maisailalim sa watchlist order sina Bolante at ang dalawang nabanggit na mga opisyal upang matiyak na hindi matatakasan ng mga ito ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa nabanggit na fund scam.
Ang naturang pondo umano ay ginamit ni Bolante sa nakaraang 2004 presidential election pabor sa kandidatura ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. (Gemma de la Cruz )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended