Sa kaniyang pagharap sa imbestigasyon ng Senate Committee on National Defense and Security na pinamumunuan ni Senador Rodolfo Biazon, sinabi ni Ms. Marieta Santos, dating live-in partner ni Doble, si Angelito Santiago ang nag-abot ng halagang P2M kay Doble noong Mayo 2005 sa Imperial Suite Hotel sa Quezon City kapalit ng orihinal na kopya ng kontrobersyal na wiretapped taped.
Sinabi ni Santos na naroroon siya ng maganap ang bayaran kung saan ang P2M ay iniabot ni Santiago kay Doble para sa mother of all tapes na hawak naman ngayon ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Atty. Samuel Ong.
Ipinaliwanag pa ni Santos sa imbestigasyon ng komite na 14 tauhan ng ISAFP kabilang si Doble ang inatasan diumanong i-wiretap si Garcillano.
Iginiit pa nito sa senate inquiry na walang naganap na kidnapping o serious illegal detention sa kanila ni Doble sa San Carlos Seminary dahilan kusa silang nagtungo doon kung saan ay nauna pa sila kay Atty. Ong. (Rudy Andal)