Napilitan ang Malacañang na ihayag ang pagkakatalaga kay Mayuga matapos sabihin ng mayorya ng mga opisyal ng Phil. Navy na lilikha ng matinding demoralisasyon sa kanilang hanay kung hindi itutuloy ang paghirang kay Mayuga gayong nauna na itong inabisuhan na siya ang papalit kay outgoing Navy Chief Vice Admiral Ernesto de Leon.
Nitong Lunes ay ipinagpaliban ang dapat sanay turn-over ceremony sa pagsasalin ng kapangyarihan ni de Leon kay Mayuga dahilan sa pagla-lobby ng isa sa mga contender na matindi ang paghahangad sa puwesto.
Isa umanong pulitiko ang humirit na iposisyon ang contender na malapit dito pero hindi nagtagumpay dahilan sa matinding problema nito sa kanyang kalusugan.
Muling itinakda ang turn-over ceremony sa Phil. Navy bukas, alas-2 ng hapon. (Joy Cantos)