Mayuga tuloy na sa Navy
December 7, 2005 | 12:00am
Pinal na ring inanunsyo kahapon ng Palasyo ang pagkakahirang kay incoming Navy Flag Officer-in Command Vice Admiral Mateo Mayuga matapos na maudlot ang turn-over ceremony noong Lunes.
Napilitan ang Malacañang na ihayag ang pagkakatalaga kay Mayuga matapos sabihin ng mayorya ng mga opisyal ng Phil. Navy na lilikha ng matinding demoralisasyon sa kanilang hanay kung hindi itutuloy ang paghirang kay Mayuga gayong nauna na itong inabisuhan na siya ang papalit kay outgoing Navy Chief Vice Admiral Ernesto de Leon.
Nitong Lunes ay ipinagpaliban ang dapat sanay turn-over ceremony sa pagsasalin ng kapangyarihan ni de Leon kay Mayuga dahilan sa pagla-lobby ng isa sa mga contender na matindi ang paghahangad sa puwesto.
Isa umanong pulitiko ang humirit na iposisyon ang contender na malapit dito pero hindi nagtagumpay dahilan sa matinding problema nito sa kanyang kalusugan.
Muling itinakda ang turn-over ceremony sa Phil. Navy bukas, alas-2 ng hapon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Ludy Bermudo | 18 hours ago
Recommended