^

Bansa

Pinoy athletes inulan ng premyo at bakasyon

-
Inaani ngayon ng mga atletang Pilipino ang bunga ng kanilang sakripisyo dahil sa pag-agos ng mga papremyong salapi, rekomendasyon at maging libreng bakasyon buhat sa pamahalaan.

Inihayag ni First Gentleman Mike Arroyo na bibigyan niya ng libreng bakasyon sa Disneyland-Hong Kong ang mga atletang nakakuha ng medalya sa katatapos na 23rd Southeast Asian Games (SEAG).

Ayon dito, karamihan sa mga atleta na nagwagi ng SEAG ay buhat sa mga mahihirap na pamilya na nagkakasya lamang sa tinatanggap na maliit na allowance buhat sa pamahalaan. Pagkakataon na umano nito na makaranas naman ng konting ginhawa dahil sa karangalang ipinagkaloob ng bansa nang makuha ang overall championship sa SEAG.

Magbibigay rin ang Department of Tourism (DOT) ng tatlong araw na libreng bakasyon sa 113 Pinoy gold medalist sa mga piling tourist destination sa bansa na pinatatakbo ng Philippine Tourism Authority (PTA) upang makapagliwaliw matapos ang mga hirap na pinagdaanan ng mga atleta sa kanilang training at kumpetisyon.

Sinabi ni PTA general manager Robert Dean Barbers na maaaring makapamili ang mga atleta kung nais nila ang beach sa San Fabian, Pangasinan o kaya naman ay marating ang World Eight Wonders na Banaue Rice Terraces at tumuloy sa Banaue Hotel at Youth Hotel sa Ifugao Province. Maaari rin na magsama ang mga atleta ng dalawa nilang pamilya.

Inimbitahan rin nito ang mga dayuhang atleta at delegado na manatili pa sa bansa upang mapasyalan ang mga magagandang lugar sa Pilipinas kung saan nakatakdang bigyan ng PTA ang mga ito ng malaking discounts. Ito’y matapos buksan ng Bureau of Immigration ang pinto para sa extension visa ng mga dayuhang atleta ng isang buwan para sa turismo.

Bukod pa dito ang inilabas na P16 milyon ng kabuuang premyo sa mga atleta na humakot ng mga medalya. Makakatanggap ng P100,000 ang lahat ng gold medalists; P50,000 sa silver medalist at P10,000 sa bronze medalist.

Pinakamalaki ang matatanggap ni swimmer Miguel Molina na nakakuha ng triple gold medals sa buong tatlong individual events, kasunod ang mga kapwa triple medalist na sina diver Sheila Mae Perez at rower Benjie Tolentino na nanalo sa individual at group events. (Danilo Garcia)

ATLETA

BANAUE HOTEL

BANAUE RICE TERRACES

BENJIE TOLENTINO

BUREAU OF IMMIGRATION

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TOURISM

DISNEYLAND-HONG KONG

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with