Pinoy athletes pinarangalan

Ginawaran ng komendasyon ng Senado ang 1,100 atletang Pinoy na lumahok sa 23rd Southeast Asian Games (SEAG) sa bansa kung saan nakopo nito ang pangkalahatang kampeon sa nabanggit na torneo.

Sa resolusyon na isinumite nina Senador Ralph Recto, Joker Arroyo, Manuel Villar Jr at Francis Pangilinan, sinabi ng mga ito na nararapat lang na bigyan ng komendasyon ang mga atleta na sumungkit ng 113 ginto, 84 pilak at 94 tanso.

Ayon sa mga Senador, ang ipinakitang gilas ng mga atleta ay bunga na rin ng dibdibang pagsasanay at pagsasakripisyo ng kanilang mga personal na gawain para pangunahan ang 11 bansang lumahok sa SEAG.

Ipinagbunyi naman ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagiging kampeon ng mga manlalarong Pinoy at nagpasalamat din ito sa mga lumahok sa palakasan. (Rudy Andal at Lilia Tolentino)

Show comments