^

Bansa

Philcomsat holdings inireklamo

-
Binatikos kahapon ng minority stock holders ng Philcomsat Holdings Corp. (PHC) ang Board of Directors at Management ng kumpanya dahilan diumano sa paglilihim sa patuloy na pagkaubos ng pondo nito dahilan sa mga kuwestiyonableng gastusin.

Sinabi ni Victor Africa, isa sa mga stockholders na marami ang dahilan kung bakit hindi nagpatawag ng pagpupulong ang mga stockholders ng PHC Board para sa taong 2005 dahilan marami sa kanila ang hindi nakatala sa Philippine Stock and Exchange (PSE).

Nabatid na si Africa ay stockholders na bago pa naging Philippine Holdings ang publicly listed na Liberty Lines Inc. na binili ng Philippine Communications Satellite Corp. noong 1995.

Ayon kay Africa kinakailangan pang puwersahin ng SEC ang PHC na magsagawa ng stockholders meeting pagkatapos tumanggap ng reklamo mula sa isa nitong indibidwal na stockholders.

"Ang transparency ay isa sa pinakamahalagang responsibilidad ng mga listed companies", dagdag ni Africa.

Binigyang diin nito na kung walang stockholders meeting ay hindi magkakaroon ng pagkakataon ang mga kumpanya lalo na ang maliliit na stockholders na komprontahin ang Board of Directors tungkol sa mga nangyayari sa PHC.

AYON

BINATIKOS

BOARD OF DIRECTORS

LIBERTY LINES INC

PHILCOMSAT HOLDINGS CORP

PHILIPPINE COMMUNICATIONS SATELLITE CORP

PHILIPPINE HOLDINGS

PHILIPPINE STOCK AND EXCHANGE

STOCKHOLDERS

VICTOR AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with