Plunder ni Garcia hamon sa bagong Ombudsman
December 4, 2005 | 12:00am
Isa umanong hamon sa bagong upong si Ombudsman Merceditas Gutierrez ang kasong plunder na kinakaharap ni dating AFP Comptroller ret. Major Gen. Carlos Garcia.
Ayon kina House Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina, kahit nasentensiyahan ng guilty ng military court si Garcia ay dapat pa rin ituloy ng Ombudsman ang pagpupursige sa kasong pandarambong na kinakaharap nito sa Sandiganbayan dahil ang sentensiya ng military court laban sa dating opisyal ay para lamang sa Articles of War.
Si Garcia ay nahaharap sa kasong P303 milyong plunder na may maximum penalty na kamatayan at kasong perjury dahil sa P100 milyong unexplained wealth nito.
Ang pagsusulong ng kaso laban kay Garcia ay hamon kay Gutierrez para walisin sa pamahalaan ang mga tiwaling opisyal. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest