Sa isinagawang press conference kahapon sa tanggapan ni Officer-in-Charge Secretary Fe Hidalgo, pinaalalahanan nito ang lahat ng mga guro na bawal mangolekta sa mga bata o kaya ay magsagawa ng caroling para makalikom ng salapi sa kanilang gagawing party.
"Schools should exercise austerity measures this Christmas. The department discourages anything that insinuates compulsory contribution. We encourage simple parties," saad ni Hidalgo.
Sa susunod na linggo ay ilalabas na ng ahensya ang memorandum order hinggil sa nasabing kautusan.
Hindi pa malinaw kung ano ang karampatang parusang nakalaan sa mga guro na susuway.
Dahil dito, hinikayat ng DepEd ang mga magulang na magsumbong sa DepEd kung puwersahan itong hinihingan ng pera para sa Christmas party o anumang kontribusyon ngayong Kapaskuhan. (Edwin Balasa)