^

Bansa

Guro bawal mangaroling, humingi ng kontribusyon

-
Pinagbawalan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na mangaroling at manghingi ng anumang sapilitang kontribusyon para sa pagdaraos ng Christmas party.

Sa isinagawang press conference kahapon sa tanggapan ni Officer-in-Charge Secretary Fe Hidalgo, pinaalalahanan nito ang lahat ng mga guro na bawal mangolekta sa mga bata o kaya ay magsagawa ng caroling para makalikom ng salapi sa kanilang gagawing party.

"Schools should exercise austerity measures this Christmas. The department discourages anything that insinuates compulsory contribution. We encourage simple parties," saad ni Hidalgo.

Sa susunod na linggo ay ilalabas na ng ahensya ang memorandum order hinggil sa nasabing kautusan.

Hindi pa malinaw kung ano ang karampatang parusang nakalaan sa mga guro na susuway.

Dahil dito, hinikayat ng DepEd ang mga magulang na magsumbong sa DepEd kung puwersahan itong hinihingan ng pera para sa Christmas party o anumang kontribusyon ngayong Kapaskuhan. (Edwin Balasa)

CHRISTMAS

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

EDWIN BALASA

GURO

KAPASKUHAN

OFFICER-IN-CHARGE SECRETARY FE HIDALGO

PINAGBAWALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with