Garci bibigyan ng security ng PNP
December 3, 2005 | 12:00am
Tatlong security escorts ang ibibigay ng Philippine National Police (PNP) kay dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano upang matiyak ang kaligtasan nito kaugnay ng nakatakda niyang pagharap sa Kamara sa imbestigasyon ng "Hello Garci" scandal sa Disyembre 7.
Ayon kay PNP chief Gen. Arturo Lomibao, nagpalabas na siya ng direktiba kay Police Security and Protection Office (PSPO) director P/Chief Supt. Edgardo Doromal para pangalagaan ang seguridad ni Garcillano at misis nito.
Kamakalawa ay humiling si Atty. Eddie Tamondong, abogado ni Garcillano, ng seguridad sa PNP para sa kanyang kliyente.
Ayon kay Tamondong, gusto nilang makasiguro na hindi malalagay sa peligro ang buhay ni Garcillano na inaasahang luluwas sa Maynila mula sa Mindanao sa Linggo o Lunes. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended