Ayon kay military prosecutor Capt. Candy Rivas, si Garcia ay nahaharap sa anim na taong pagkabilanggo at pagbawi ng mga benepisyo kapag napatunayang guilty sa kasong paglabag sa Articles of War (AW) 98 o conduct unbecoming an officer and a gentleman at AW 97, conduct prejudicial to good order and military discipline.
Ang kaso ay nag-ugat matapos mabigo itong ideklara ang kanyang yaman sa isinumite nitong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2002 at 2003 gayundin ang pagtataglay nito ng green card.
Hindi umano ibinilang ni Garcia ang P6.5 milyon nitong deposito at P5.8 milyong dividends sa AFPSLAI at anim na magarbong behikulo. Nahaharap din si Garcia sa P303 milyong kasong plunder sa Sandiganbayan. (Joy Cantos)